|
2. Ang pangunahing anyo ng kamalayan o pagtatangkang maging malay ay pagdududa, na kadalasan at makatwirang humahantong sa pagkamuhi sa nakalipas: 2 Marso at nagsunog sina Abadilla ng libro, manuskrito, at kahit sariling mga tula — mga bagay na 'hindi dapat ipamana.' Gaano ito kalapit sa Futurism, na kahit (nakasisiguro akong) hindi nagkakilala ang Rusong sekta nito at ang grupo nina Abadilla, maituturing na pareho ang kanilang nais. Ilibing na nang tuluyan sina Pushkin, Dostoevsky, Tolstoy, atbp. Magsa-abo na nang lubos sina Regalado, Collantes, at maraming-marami pa. 3. Zizek: 'The New arrives in order to resolve an unbearable tension in the Old. . . The New is negatively present in the Old.' Isa itong bagay na pinaniniwalaan ko dati, ngunit lubhang pinagdududahan ngayon. Kung ang Bago ay isang paraan lamang ng pagbaligtad sa Luma/Nakalipas, hahantong ito sa madaling pag-asa sa pag-usad ng kasaysayan. Ngunit hindi ganoon ang nangyayari: dumarating ang Bago hindi upang itama ang Nakalipas, kundi upang dumagdag sa mga pagkakamali nito. Ang nagaganap ay akumulasyon, at hindi kanselasyon. Kung kaya't hinding hindi natin maisasakatuparan ang 'reklamasyon' ng isang bagay na matagal nang natabunan, nailibing, nawasak. Anumang pagtatangka sa 'reklamasyon ng pambansang gunita' ay isa lamang paglikha ng panibago. |
| Leave a Comment: |