Aug 13, 2009
eneric viagra online paypal

Without a high-grade relaxation it is not possible further ýðåêöèÿ. Very important role in occurrence lavitra vs viagra lawsuits involving blindness caused by viagra levitra and viagra and viagra comparison to viagrais played so-called the by «the muscular mechanism». Its essence consists in activation of cross-section-striped muscles (sedalishchno-peshcheristyh and lukovichno-spongy muscles). generic viagra online paypal Their reduction leads ñäàâëåíèþ legs êàâåðíîçíûõ bodies of a sexual member that interferes with outflow of blood from them. In a basis ýðåêöèè vascular changes which can be divided into phases lie:

Posted at 01:52 pm by online1
Make a comment  

Mar 18, 2009
Hello gerl

We post more orgy sex pics from We Live Together by popular request?
Popular smut on the web grade them according to the quality and quantity of lesbian porn. Debbie is a gorgeous, tall lesbian blonde bombshell and Kimberly is a petite and  busty brunette.

Posted at 10:47 am by online1
Comment (1)  

Apr 16, 2008
Ilang Tala

1. Gusto kong itanghal ang kakayahan ng tula upang maging mahusay na paraan ng pag-iisip; na sa pamamagitan ng lunggating kaakibat ng paglikha ng tula ay pumapaloob ako sa pambihirang karanasan sa wika. Sa paglikha ng tula nakakaharap ko ang hubad na ugnayan ng wika at kahulugan. Sa madaling salita (kung mayroon mang ganoon), ang nagaganap ay isang kamalayan ng wika, isang muling paghaharap ng matagal nang kakilala, katulad ng kung papaanong nakaiilang na maging malay sa lupa at sa sariling paa kapag naglalakad. Sa pamamagitan ng kamalayang ito nakahaharap ko ang lahat ng iba pang bulag na ugnayan — hustisya, pag-ibig, talino, yaman, o para kay Marx, mga mahiwagang bagay. Sa pamamagitan lamang ng kamalayang ito ako matutulad sa pinakaunang 'makabago:' na ang makita ay hindi lamang bato kundi isang paraan ng paggamit, at samakatwid apoy, sibat, tahanan.

2. Ang pangunahing anyo ng kamalayan o pagtatangkang maging malay ay pagdududa, na kadalasan at makatwirang humahantong sa pagkamuhi sa nakalipas: 2 Marso at nagsunog sina Abadilla ng libro, manuskrito, at kahit sariling mga tula — mga bagay na 'hindi dapat ipamana.' Gaano ito kalapit sa Futurism, na kahit (nakasisiguro akong) hindi nagkakilala ang Rusong sekta nito at ang grupo nina Abadilla, maituturing na pareho ang kanilang nais. Ilibing na nang tuluyan sina Pushkin, Dostoevsky, Tolstoy, atbp. Magsa-abo na nang lubos sina Regalado, Collantes, at maraming-marami pa.

3. Zizek: 'The New arrives in order to resolve an unbearable tension in the Old. . . The New is negatively present in the Old.' Isa itong bagay na pinaniniwalaan ko dati, ngunit lubhang pinagdududahan ngayon. Kung ang Bago ay isang paraan lamang ng pagbaligtad sa Luma/Nakalipas, hahantong ito sa madaling pag-asa sa pag-usad ng kasaysayan. Ngunit hindi ganoon ang nangyayari: dumarating ang Bago hindi upang itama ang Nakalipas, kundi upang dumagdag sa mga pagkakamali nito. Ang nagaganap ay akumulasyon, at hindi kanselasyon. Kung kaya't hinding hindi natin maisasakatuparan ang 'reklamasyon' ng isang bagay na matagal nang natabunan, nailibing, nawasak. Anumang pagtatangka sa 'reklamasyon ng pambansang gunita' ay isa lamang paglikha ng panibago.

Posted at 10:36 am by online1
Make a comment  

Nov 16, 2007
Huling bahagi

Hindi sinasabi ng WIKA na huwag nang pag-aralan ang Ingles.  Mas maganda lamang na tingnan ito hindi bilang pangangailangan ng lahat ng Filipino, kundi bilang dagdag na aralin ng mga taong pipiliing gamitin ito sa pag-usad ng kanilang hanapbuhay.


Mungkahi ng WIKA na katutubong lengguwahe ang gamitin sa pagtuturo sa mga bata ng mga pundasyon ng mga konseptong pang-asignatura.  Hindi kailangang ikatakot na mamatay ang paggamit ng Ingles sa Pilipinas, sapagkat maaari naman itong manatili bilang isa sa mga asignatura (pati na rin ang Tagalog, kung nanaisin) na kailangan rin munang bigyan ng pundasyon habang nagsisimula pa lamang mag-aral ang isang bata.  Sa ganitong paraan, ganap na magiging progresibo ang daloy ng edukasyon – habang umaakyat ng baitang ay tunay na nagiging mas mataas ang antas, hindi lamang ng pagkatuto, ngunit ng paraan din ng pagtuturo.

Hindi dapat mabagabag sa nangyayari sa mga karatig-bansa nating nagkakandaugaga naman ngayong mag-aral ng Ingles, habang tayo'y magbabalik sa sarili nating wika.  Dapat ngang lalo tayong mabagabag na kinakailangan nating balikan ang atin. 

[Mas nasasaktan pa tayo kapag sinasabihan tayong hindi tayo marunong mag-Ingles, tulad ng nangyari sa isang panayam kay Josh Hartnett sa isang programa sa ABC.  Mas nakapanghimok pa ng aksyon at reaksyon ang nabanggit na opinyon ng tagapanayam tungkol sa mga Filipino, gayong sa parehong katanungan ay binanggit niyang nakatatakot daw sa Pilipinas, sapagkat maraming nandudukot ng mga dayuhan dito para sa pera.  Sa lagay ba nama'y mas tatanggapin pa nating mga mandurukot tayo, kaysa mali-mali tayo mag-Ingles?]

Tandaang ang mga karatig-bansa natin ay napakalakas ng hawak sa kanilang wika, gayunma'y nagawa pa rin nilang umunlad bilang isang bansa.  Walang bansang umunlad dahil lamang nag-aral sila ng Ingles.  Umunlad sila dahil nakapagpalaki sila ng mahuhusay na manggagawa na nagmula sa magandang edukasyon at hindi nasasayang sa pakikinabang ng mga banyaga.

Sa mahigit tatlong siglong sinakop tayo ng mga dayuhan, napakahirap nang kilalanin ang tunay nating kultura at kaakuhan.  Halos lahat ng tinatawag nating paniniwala at tradisyon ay nagmula sa impluwensiya (kung hindi man sapilitang pag-uusig) ng ating mga mananakop.  Sa kabila ng lahat ng ito, tanging ang mga wika natin ang nanatili.  (Kahit na may mga wika tayong tuluyan nang naglaho, at ang mga buháy nating wika ngayo'y hindi pa natin magamit nang wasto.) At mabuti na lamang sa EO210, hindi na tayo nangangailangang maghirap sa paghahanap ng pambansa nating sarili. Nagmagandang loob na ang pamahalaang magpasya para sa atin.

Marapat lamang na magwakas tayo sa isang sipi mula sa Simoun, ang ikawalong kabanata ng El Filibusterismo sa salin ni Virgilio S. Almario:

"... Nais pa ba ninyong magdagdag ng isang wika sa mahigit na apatnapung sinasalita sa kapuluan upang lalo kayong hindi magkaunawaan?"

"Salungat po riyan," tugon ni Basilio, "Kung ang kaalaman sa Kastila ay makapagbubuklod sa atin sa gobyerno, mapagbubuklod din nito ang buong kapuluan!"

"Malaking kamalian!" sabad ni Simoun.  "Napalilinlang kayo sa maiinam na pananalita at hindi ninyo tinatarok ang kaibuturan ng bagay-bagay upang suriin ang sukdulang katunayan ng mga ibubunga nito.  Hindi magiging wika ng lahat sa bayang ito ang Kastila, hindi ito masasalita ng bayan kailanman sapagkat wala sa wikang ito ang mga pariralang katumbas ng mga dalumat sa isip ng bayan at ng mga damdamin sa puso nito.  May sarili ang bawat bayan, kung paanong may sarili itong paraan ng pagdama.  Kayong iilang nakapagsasalita nito, ano ang mapapala ninyo sa Kastila?  Ang kamatayan ng inyong orihinalidad, ang pagsuko sa iba ng inyong mga kaisipan, kaya't sa halip na maging malaya ay lalo lamang kayong magiging tunay na alipin!  Mga taksil sa Inang Bayan ang siyam sa bawat sampu sa inyong nagpapalagay na ilustrado.  Marami sa inyong nagsasalita ng Kastila ang nagwawalang-bahala sa sariling wika kaya ni hindi ito maisulat o maunawaan at marami na akong nakitang nagkukunwang walang alam ni isa mang salita nito!

"Mabuti na lamang at mayroon kayong isang tunggak na gobyerno.  Samantalang ipinapataw ng Rusya ang Ruso sa Polonya upang maalipin ito, samantalang ipinagbabawal ng Alemanya ang Pranses sa mga sakop nitong probinsiya, tumututol ang inyong gobyerno upang mapanatili para sa inyo ang inyo; at kayo naman, isang bayang kamangha-mangha sa pamamatnugot ng isang gobyernong di kapani-paniwala, kayo pa ang masigasig na mawalan kayo ng pagkabansa!  Nalilimot ng bawat isa sa inyo na habang napag-iingatan ng isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kaniyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kaniyang kasarinlan, upang mapanatili niya ang kaniyang sariling paraan ng pag-iisip.  Ang wika ang pag-iisip ng bayan.  Ikagalak ninyong may katiyakan ang inyong kasarinlan: ipagsasanggalang ito ng mga masilakbong damdamin ng tao!"

Posted at 07:14 am by online1
Make a comment  

Oct 22, 2007
WIKA vs. Republika ng Filipinas


Maaaring tingnan ngayon ang magkawangis na kalagayan ng Filipino kung ihahambing sa Ingles, at ng wikang panlalawigan kung itatabi sa Tagalog.   Maaaring hindi na isalin sa Filipino ang mga akdang Ingles upang maunawaan ng mga Filipino.  Ngunit upang ipaintindi ang akdang Filipino sa labas ng bansa ay talagang dapat isalin kahit sa Ingles muna.   Siya rin ang relasyon ng Tagalog (bilang 'dominanteng' wika) sa wika ng ibang rehiyon.

Subalit hindi na makabuluhan ang pagtingin sa 'dominanteng' wika bilang nakatataas. Isang patibong ang ganitong pagpapakahulugan.  Nagkakaroon kasi ng panganib na ibaling sa sitwasyon ang di pag-usad ng panitikang pangrehiyon; ang magiging puno't dulo ng di pag-usad ng panitikan ay nakapako sa pagka-hindi-Tagalog nito.  At mula doon ay maaaring mahinuha na kailangan munang palakasin ang wika upang mapalakas ang sining, gayong ang kabaligtaran ang tunay na nangyayari:  Panitikan ang nagpapausad sa wika sapagkat may kakayahan itong sumalamin sa kasalukuyang kawikaan, at lumikha ng mga pagbabago.

Kakulitan at hungkag na kahambugan ang pagpilit sa iba na mag-aral ng wikang di-likas sa kanila para lamang mabasa nila ang isang akda.   Ang natural at makatotohanang daloy ay magsisimula sa paglikha ng isang magandang akda, ang pagsasalin nito sa ibang wika, ang pagbasa ng 'banyaga' sa salin na makapang-eengganyo sa kaniyang basahin ito sa orihinal nitong anyo, na lilikha ngayon ng pangangailangang aralin ang wikang ginamit sa pagkatha.

Ang pagtawag sa isang wika na 'dominante' ay hindi pagsuko ng sarili bilang mas mahina, ngunit pagkilala sa simple at di naman masamang katotohanang mas ginagamit o mas malawak ang paggamit ng wikang tinaguring 'dominante' nga.   Hindi na rin ito babagsak sa simpleng populasyon, o bilang ng taong gumagamit ng isang wika.  Dahil kung tutuusin, mas marami talagang nagsasalita ng Tsino sa mundo.  Tinatawag ang Ingles na 'most widely spoken language' na kaiba sa 'language spoken by the most number of people.'  Mas maraming lugar sa mundo ang nakaiintindi sa Ingles (at may nagsasabing tuluyan na nitong napalitan ang Pranses bilang wikang pandiplomasya) kaya't tinitingnan ito bilang 'dominanteng' wika.  Isa itong katotohanang maluwag na tinatanggap ng mga kababayan nating maka-Ingles, ngunit kapag inilapat ang kaparehong dahilan para sa Tagalog ay umaalma naman sila.

Dito rin nakaangkla ang pagsang-ayon ng iba sa EO210.  Tama lang talagang mag-aral tayo ng Ingles, sapagkat ito ang dominanteng wika sa mundo, at hindi dapat magpahulí ang Pilipinas sa paggamit nito.

At wala naman talagang tutol ang WIKA sa pag-aaral ng Ingles.  Tunay na sa larangan ng kalakalan at akademikong pagsaliksik ay napakalaking bagay ng kaalaman ng banyagang wika.  At maganda nga kung ito ang dahilan ng pamahalaan sa pagtulak sa mga mamamayang mag-aral ng Ingles – upang tuluyan nang makipagsabayan ang Filipino sa pandaigdigang kalakalan, diplomasya, at pang-akademikong pagsaliksik.  Ngunit hindi maaalis ang kutob kong gusto lamang ng gobyernong dumami ang mga Filipinong nagpapaalipin sa banyaga sa labas ng bansa bilang mga overseas contract worker, o sa loob ng bansa bilang mga call center agent.  Napakalaki nga naman ng naitutulong nila sa ekonomiya.  Pinipintuho ng kasalukuyang pamunuan ang pagdating ng búkas na lahat ng Filipino'y nasa labas na ng bansa, dili kaya'y maging tanging bansa sa Asyang sumusunod sa Central Standard Time.

Ngunit hindi nga ang pag-aaral ng Ingles ang kinakaharap nating suliranin, kundi ang pagtuturo gamit ang wikang ito.  Bukod sa nauna nang sinabi na nakapagpapabagal ito sa pagkatuto ng bata kung hindi naman ito ang kinalakhan niyang wika (tingnan ang ikaapat na talata sa unang bahagi), wala pa tayong ganap na mekanismo upang gamitin ito sa pagtuturo.  Mabuti sana kung nasisiguro na nating lahat ng guro (lalo na sa pampublikong mga paaralan) ay gagap na gagap na ang paggamit sa Ingles.  Alam nating hindi ito totoo.  At salamat sa EO210, makikinig ang mga mag-aaral natin sa mga guro nang wala silang maiintindihan sapagkat maski ang guro nila'y kulang ang kakayahan ipaintindi ang kaniyang sarili.

(Susunod: Ang Ingles at ang mga karatig nating bansa; at ang sinabi ni Simoun tungkol sa wika)

Posted at 07:22 am by online1
Make a comment  

May 3, 2007
Ilang Tala Hinggil sa Popular na Kultura

1.

Nangangailangan ang hegemonya ng panakip-butas sa kahinaan nitong panatilihin ang "spontaneous consent" ng madla — hindi na matatag ang pagkakaangkla ng "consent" sa "historical cause," iyon ay, ang "prestige and confidence" na nabuo sa loob ng mahabang panahon (na naging posible rin dahil sa posisyon nito sa lipunan); ngunit gayon din, kung gusto nitong manatili sa kapangyarihan, hindi nito maaaring gamitin ang kaniyang lantarang marahas na "coercive power."

Sa kontemporanyong panahon, higit na napagtitibay ang haka ni Marx na "the ideas of the ruling class are in every epoch the ruling ideas." Kung dati ay hayag ang namamayaning ideya at pwersahan itong ipinatatanggap, sa puntong ito ng global na kapitalismo, nakahanap ang namamayaning ideya ng isang pormang hindi lamang madaling tanggapin kundi naghaharap ng ilusyong hindi ito ang mga ideya ng namamayaning uri: ang popular na kultura.

2.

Lubhang marahas ang ilusyong ipinapataw ng popular na kultura: ipinatatanggap nito ang kasalukuyang namamayaning realidad bilang nanggaling at gawa ng mga indibidwal.  Dahil din doon, gumagana ito sa lohika ng eksklusyon. Tingnan, halimbawa, ang penomenon ng pagka-Jologs: lubha itong dinarakila bilang "ang katangian" ng masa, sa puntong lumilikha ito ng puwang sa fetishization ng mismong kulturang ito — ang hindi Jologs, hindi masa; ang masang hindi Jologs, nagkocoòo-coòohan.

3.

Sinusuportahan ng popular na kultura ang pagdaloy at pangangailangan ng merkado — kung dati-rati, ang moda ng mga advertisement ng PLDT ay nakatuon lamang sa lokal na pakikipag-ugnayan, iyon ay, mula probinsiya hanggang Maynila (kung matatandaan ang advertisement ng "magshishift sa fine arts na anak"), ngayon, kung kailan ang primaryang ekonomikong lakas ng Pilipinas ay ang pag-eexport ng mga tao, nakatuon na ito sa global na pakikipag-ugnayan. Inilalahad nito ang pagkakaroon ng pangangailangan ng indibidwal bilang isang natural na pangyayari, at hindi dulot ng mga ipinataw na konsekwensiya.

Kakatwa kung papaano ito nakita ni Freud sa maagang panahon ng kapitalismo. Sa punto kung saan kinakaharap niya ang suliranin ng kabihasnan, partikular na ang kakayahan ng tao na tugunan ang kaniyang pangangailangan sa pamamagitan ng teknolohiya (hal., tren, telegrapo), nakita niyang tinutugunan lamang ng teknolohiya ang mga pagkukulang na nilikha rin ng mismong teknolohiya at kaayusan niya (hal., hindi mangangailangan ng tren ang emigrante kung may sapat na trabaho sa lugar niya, hindi mangangailangan ng telegrapo ang ina kung hindi kailangang umalis ng kaniyang anak)

4.

Dito natin makikita na bukod sa "dynamics of obsolescence," kung saan "naluluma" agad ang mga bagay bago pa man ito tuluyang magamit, mayroon ding "dynamics of dependence" ang kasalukuyang sistema: sa paglabas ng mga bago at bagong produkto, lumilikha ito ng kanilang sariling pagkukulang, na ang tanging sagot ay mga bago at bago ring produkto. Gaano ito kalapit sa konseptwalisasyon ni Lacan ng relasyon ng objet petit a at ng pagnanasa?

Kung sa relasyon ng objet petit a at ng pagnanasa, nagkakaroon lamang ng pagapalit ng variable (ang "a" sa objet petit a) dahil sa hindi ito ang tunay na ninanais ng subject, itinutulak ng "dynamics of dependence" ang subject upang panatilihin ang isang bagay na hindi niya nais sa pamamagitan ng paglalantad ng mga bagay na kulang sa "a." Ang nangyayari ay ang lubos na pagkatali ng subject sa sistema, kung saan ang kaniyang nais ay hindi na ang kaniyang nais kundi ang nais ng mga objet a.

Posted at 10:48 am by online1
Make a comment  

Mar 22, 2007
Anonymity

The internet has changed the system of fame, and it certainly did not do it on its own. Time Magazine has named YOU as its Person of the Year for 2006 in light of YouTube, Blogger, Wikipedia and Google.  It seems that technology has spearheaded an all-new revolution: Digital democracy

Now, anyone can compete against the high-and-mighty of society thanks to this almost bottomless source of free media (and free media space). People have learned to keep themselves entertained and informed at the small cost of having an internet connection, evening out the playing field for those craving some limelight, and the entertainment and information industry now desperately need to step up if they don't want to lose this market.

However, as with every democracy, in order for it to stay true to its purpose, it requires that the good outnumber the bad.  Even though the internet has produced several remarkable testaments to its potential greatness, these several testaments only make up an infinitesimal percentage of the activities of the online community as a whole. But "the other side" of this digital world—where all the poseurs, child pornographers, homemade-bomb tutors, spammers, et al hang out--is colossal.  This is where every act seems to be a conscience—or a brain—short of being human, and absolutely everyone is unknown: hiding behind a username, or a "nobody" using his real identity. The option of virtual invisibility has been made available for anyone with enough access. 'Power without responsibility' stops being a prerogative exclusive to the harlot.

It is possible to say that making space available for anyone has democratized the Place (which must only be filled with the Thing).  Sartre's Roquentin quips that "[f]or the most banal even to become an adventure, you must (and this is enough) begin to recount it." The mere putting up of a blog, or video, or thing, for everyone to see seems to be a beginning.  In truth however, this is an end.  The creator of the blog, or video, or thing, is "already the hero of the story" which could be why a new blog easily looses steam:  The desire for attention will have already been fulfilled the minute the first entry has been published. 

Unfortunately, the blogger who reacts defensively about the contents of his blog along the lines of this-is-my-space-and-you-have-no-right-to-attack-it has forgotten that aside from the fact that not all attention is to be desired, if a thing is put in a space so that it can be given attention, those who would come upon this space may consider this a Place (and therefore expect a Thing to be there). In the perception of the user, free (without charge, and for whatever use) space has helped fill a void, when actually, it makes the Void materialize by being indiscriminate about who gets to have it, thereby drawing attention to the absence of the Place—and effectively, the Thing. And TIME Magazine pushes it even a little further as it bestows the responsibility of the democratization of the Void upon Nobody.

Posted at 10:37 am by online1
Make a comment  

Feb 14, 2007
Entry: Pag-ibig Bilang Kamatayan

Hindi lang mahalaga, kundi mistulang kailangan ng industriya ng showbiz ang konsepto ng pag-ibig — ibig kong sabihin, mistulang kailangang lahat ng pelikula at telenobela ay mayroong sentral na tema ng pag-ibig. Magmula sa mga laman-dagat, sa taong-ibon, papunta sa mga treasure hunters, at siyempre papaano pa kaya ang mga nagtatangkang gayahin ang "totoo?"

Sa Kasal, Kasali, Kasalo, pagkatapos layasan ng buntis na si Anj (Judy Ann) si Jed (Ryan Agoncillo) dahil sa kaniyang pambababae, sinalubong tayo ng isang gasgas na gasgas na linya mula sa nanay ni Anj: "Pare-pareho lang sila! Mapamahirap, mapamayaman, mataba, payat..." Dito nabubunyag ang kalikasan ng pag-ibig sa ilalim ng Kasal: na ang pag-ibig na ibinibigay ng babae at ng lalaki sa isa't isa sa ilalim ng matrimoniya ay hindi nakatuon sa indibidwal, ni hindi man lang sa isang ideyal na asawa, kundi sa lahat ng lalaki/babae. Sa punto kung kailan napagtanto ng ikinasal na "pare-pareho lang sila," nakikilala niya nang bahagya na ang pag-ibig niya ay nakatuon sa isang simbolikong asawa, sa isang "universal function."

Mahalagang alalahanin ang suliranin ni Sigmund Freud sa pag-aanalisa ng pag-ibig. Sa kaniyang Civilization and its Discontents, ibinilang niya ang pag-ibig sa mga mekanismo ng Pleasure at Reality Principle, sa pagpupursigi ng tao na maging masaya, o ang negatibong kahanay nito, ang alisin ang paghihirap. Sa simula ng libro, sa pagpapaliwanag niya tungkol sa externality ng ego, sinabi niyang sa tugatog ng pagiging in love, "the boundary between the ego and object threatens to melt away." Dagdag pa niya, "against all the evidence of his senses, a man who is in love declares that "I" and "you" are one, and is prepared to behave as if it were true." Mapapansin ang kaguluhan at ang kaniyang pag-aatubili nang umpisahan na niyang ipaliwanag ang pag-ibig sa ilalim ng Pleasure at Reality Principle: "men cling to objects belonging to the external world and obtain happiness by attaching emotions..." Pansinin na sa unang pagpapakahulugan, nawala ang hanggahan ng subject at object; at sa pag-iisa ng "ako" at "ikaw," nasasaklaw ng subjectivity ng "ako" ang "ikaw," at gayundin, nagiging object ang "ako." Samantala, sa huling pagpapakahulugan, nanatiling isang bagay ang iniibig. Sa halip na humanap ng "gitna," mas mainam na tanggaping mayroong dalawang magkatunggaling konsepto ng pag-ibig si Freud; at dito magagamit nating mahusay na hambingan ang konsepto ni Marx ng kamalayan — na mayroong totoo at huwad.

Ang unang pagpapakahulugan ni Freud sa pag-ibig ang totoo: dito nakikilala ng umiibig ang kaniyang lugar sa obhektibong kalagayan (ang iniibig), at gayundin, pinipilit ng umiibig na mapagniig ang kaniyang subhektibo at obhektibong kalagayan. Sa kabilang banda, sa ikalawang pagpapakahulugan matatagpuan ang huwad: kinikilala lamang ng umiibig ang kakayahang mapunan ng iniibig ang kaniyang kakulangan, ang kaniyang pangangailangang maging maligaya, nang hindi kinikilala ang kakayahan ng iniibig na diktahan mismo ang kaniyang pangangailangan.

Sa ganoong paraan, hindi kaya ang ugat ng kaguluhan sa pag-aanalisa ni Freud sa pag-ibig ay ang ituring ito bilang bahagi ng Pleasure at Reality Principle? Hindi kaya sa halip na panatilihin ng totoong pag-ibig ang balanse at kaayusan (homeostasis) ng isang tao, ito mismo ang sumisira at bumabasag sa kaayusang ito — na ang pag-ibig ang siyang kaganapan ng death drive? Kung gayon, nagiging totoo't kakatwa ang dalawang sinabi ni Freud kung bakit hindi niya binibili ang "love for all men:" "a love that does not discriminate seems to me forfeit a part of its own value, by doing an injustice to an object" at "not all men are worthy of love." Kung ibinibigay ng death drive ang kinakailangang pagbasag (break) upang sa gayon ay magkaroon hindi lamang ng pag-uulit (repetition) kundi ng pagbabago, ibig lamang sabihin ni Freud ay hindi maaaring magkaroon ng pagkakataong maulit at mabago ang lahat.

Kung kaya't babalik tayo sa problematisasyon natin sa sinabi ng nanay ni Anj: kung ang pag-ibig sa kasal ay ang pag-ibig sa lahat, sa isang simbolikong asawa, ang sinasabi sa atin ni Freud ay hindi ito pag-ibig. At hindi ba't napatutunayan ito sa dulo ng pelikula, kung saan nagbati si Anj at si Jed pagkatapos manganak ni Anj? Na ang pag-ibig dito ay napananatili lamang ng pagiging kasal at ng pagkakaroon ng anak. Ang punto ay hindi kung mahal nga ba talaga nila ang isa't isa pagkatapos at sa kabila ng lahat ng nangyari, kundi sa tingin nila, mahal nila ang isa't isa. Sa ganoong paraan ang pag-ibig na iyon ay isang ilusyong "objective, objectifiable" ayon kay Lacan — kung saan ang kabatiran nito ang siyang katapusan.

Saan pa ba natin makikita ang pag-ibig bilang ilusyong "objective, objectifiable" kundi sa pangitain ng mga love team?

Sabi ng isa kong kaibigan, nag-mature na raw ang mga manonood, hindi na nila inaasahang ang love team sa pelikula ay love team din sa totoong buhay. Pinagdududahan ko pa ito (dahil sa kaso, halimbawa, ni Juday at Ryan), ngunit kung sakaling totoo man ito kahit kaunti, ibig-sabihin lang nito ay halos nasa tugatog na ng komodipikasyon ang pag-ibig sa pelikula: ang tinatangkilik ng manonood ay hindi ang Totoo, kundi ang mga abstraksyon, ang Simboliko. Kaakibat ng komodipikasyon ang abstraksyon, at nang sabihin ni Marx sa kaniyang "The Fetishism of Commodities" na "a commodity is therefore a mysterious thing," ibig niyang sabihin na ang commodity ay isa mismong abstraksyon (ng paggawa). Hindi na natin kailangang lumayo upang makahanap ng magandang halimbawa: ang pagtatangka ng administrasyon na taasan ang matrikula ng UP upang "mapanatili ang istandard ng edukasyon" ay isang balahurang reduksiyon ng materyal na pinagmumulan ng "edukasyon" —walang iba kundi ang ugnayan ng mga tao — at ang abstraksyon dito ay ang mismong pangalan ng unibersidad, UP, na kinakailangang mapanatili ang kaniyang katayuan bilang "premiere state university" (kahit na sa huli, ang mananatili lamang ay ang premiere at university). Sa kaso ng mga love team, ang nakababahala ay hindi ang pagtangkilik sa abstraksyon, kundi ang kakayahan ng mga manonood na makilala ang Simboliko ngunit maniwala pa rin dito.

[Isang pagbabaligtad sa estadong ito ang nangyayari sa pornograpiya — doon makikita ang totoong pagtatalik (may pumapasok at lumalabas) ngunit hindi ito ang Totoo. Samantala, sa Scorpio Nights ni Peque Gallaga, makikita ang libog at pagtatalik sa looban: sa sidhi, rubdob, dumi, at karahasan nito, hindi ito nakapupukaw ng libog. Gayunpaman, hindi totoo ang pagtatalik, mayroon lamang  pagganap, may nagaganap sa Simboliko. Sa ganoong paraan, higit na Totoo ang pagtatalik sa Scorpio Nights — hindi nakalilibog ang libog ng iba — ngunit ito ang mahirap kilalanin (ngunit madaling tanggihan). Sa pornograpiya, gaano man ito katotoo, nananatili itong isang pantasya.]

May isa pang sinabing kapansin-pansin ang nanay ni Anj: nang makituloy ang nanay ni Anj sa bahay ng nanay ni Jed (doon sila nakatira, wala pa silang sariling bahay), nadumihan niya, nang gamitin niya itong pangtuyo ng buhok pagkatapos magtina, ang tuwalya ng nanay ni Jed na binili sa London. "Hindi sa klase ng tuwalyang ginagamit nasusukat ang pagkatao," ani ng nanay ni Anj. Sa ganitong paraan, nagiging kapansin-pansin ang pagpoposisyon ng pag-ibig sa ibabaw ng mga materyal na kondisyon (una, "pare-pareho lang sila"; ikalawa, yung sa tuwalya). Nakatatawa kung papaano sumasakto ang representasyong ito sa Culturalism at sa Identity Politics, na ang sinasabi ay ang lahat ng suliranin ng tao ay maiuugat sa kultura, kung kaya't ang pakikibaka ay nararapat na nasa lebel lamang ng kultura; huwag na nating pansinin ang uri, ang exploitation, lahat iyan ay dulot ng pagkakaiba-iba.

Posted at 07:21 am by online1
Make a comment  

Jan 1, 2007
Failing Significantly

What if I say I have no idea why I'm doing what I'm doing?
 
Sartre presented it perfectly when he said that the problem of writers shouldn't be whether 300 people will be able to read their work, but what is going to happen if 300 people will be able to read their work.  So the question for me now becomes "What do I want my poems to do to my readers?"
 
A recent conversation about the poetry of Elizabeth Willis and Gertrude Stein brought up one direction poetry could take.  The seeming "meaninglessness" of their work opens itself up to become an experience of questions.  Willis creates beautiful poetry that doesn't offer explanations about its beauty, Stein attempts to defamiliarize language.  Some might even say Willis is like Stein sounding better.  For some poets, having "an experience of questions" brings people back to their humanity.  Poems that reveal only questions after questions are a gift to man's eternal quest for knowledge. 
 
I have to admit that I can appreciate such space intended for that kind of mental masturbation.  A final draft of a poem does, after all, offer a relatively significant amount of cranial orgasms.  However, I have to deal with the nagging suspicion that the likes of Willis, Stein, and to some extent Ann Lauterbach, will only be read by those who are poets themselves, just as Louis Zukofsky was called "a poet's poet's poet." 
 
On the opposite end of the spectrum lies the likes of Pablo Neruda, Billy Collins, and Sharon Olds--the "beginner-friendly" poets.  The casual language of Collins, the romance of pop Neruda, and the unparalleled eroticism of Olds make "beginners" feel comfortable about poetry.  Because of them, outsiders are lured into the seemingly happy and easy world of verse.  The challenge can then be found in encouraging the newbies to read more, learn more, and ask more.  And one of the directions this usually takes is that when the newbies mature in their sense of poetry, they seem to outgrow the "beginner-friendly" poets and move on to more "difficult" and less "accessible" poetry.
 
The two pseudo-groups may be polar opposites when it comes to accessibility, but what I find at the center of their work is the accomplishment of making their readers see--perhaps even unsee--boundaries, regardless of whether the reader is aware of it or not.  What can we consider as parenthetical qualities of something that can be classified under "poem?"  When does something begin to be a poem, and how far can it be taken?  When a piece can nudge the boundaries in a (good) way that catches attention and raises questions to foster discussion or even argument, it makes me want my poems to do something like that.
 
Something like that, but not exactly like that.  I don't want to write poems solely for poetry. Maybe it's a given, aside from romantic, so maybe I shouldn't say it.  I know that if I were looking for a way to spark some kind of social change, writing poems may not be the best agent for it.  We already know that poetry doesn't have a lot of readership, especially locally.  (Although we hear of a lot of people who you know, just wrote this poem five minutes ago because they were like, really sad then.)  And even if I am somehow able to write one thing with a bit of social significance, because I can fall under a certain label, my work will probably be dismissed by most activist groups.  Add to that the fact that I'm not a big fan of poetry awards nor am I in a rush to get published, then it will not be a bad assumption to say that my poems will never bring about world peace.
 
So if I don't think that my poems will ever be able to do what I want them to do, why do I write?  I think it's because I believe that if you want someone to realize that pigs can't fly, saying it to them outright is not the best thing to do.  Instead, you throw a wild boar at him and make sure the beast lands on his head.  The reason poetry has so much strength is that it makes you come to your own conclusions, while making you think that it's your own conclusion. 
 
And so, if I will never produce anything of significance, I wouldn't have much regret if I wasted my whole life trying to accomplish something worthwhile.  After all, my attempts at poetry might prove to be my best failures.

Posted at 08:42 am by online1
Make a comment  

   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed